Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 case sa Biñan, Laguna.
Ayon sa Biñan City Epidemiology and Surveillance Unit, City Health Office 1 and 2, lima na ang kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Ang ika-limang kaso ay isang 50-anyos na babaeng Filipino.
Residente ang pasyente sa Barangay Sto. Tomas.
Unang nakitaan ng sintomas ang pasyente noong March 25 at nakumpirmadong positibo sa COVID-19 noong March 28.
Nakasailalim na ang pasyente sa home quarantine.
Tiniyak naman ng Biñan City Health Office na nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.