Mga STL operators, hahabulin na ng BIR

 

Dahil sa bilyun-bilyong buwis na hindi nababayaran, target ngayon ng Bureau of Internal Revenue na habulin ang mga operators ng small town lottery (STL).

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, mula nang mag-umpisa ang operasyon ng mga STL sa bansa noong 2006 ay hindi pa rin sila nasisingil ng documentary stamp tax.

Nakasaad kasi sa National Internal Revenue Code na may 10 sentimos na documentary stamp tax sa kada pisong taya sa mga otorisadong number games tulad ng lotto o jai alai.

Dahil dito, tinatayang nasa P2.9 bilyon ang halaga ng tax na dapat nakolekta ng BIR sa mga operators ng STL.

Ani Henares, hinahabol nila ang mga operators dahil sila ang may responsibilidad ng pagbabayad nito.

Ngunit, igniit ng mga STL operators na sinusunod lang nila ang regulasyong napagkasunduan nila ng Philippine Charitry Sweepstakes Office (PCSO) na hindi naman sila obligadong magbayad ng documentary stamp tax.

Ang napag-kasunduan lang anila ay ang pagbibigay ng bahagi ng kanilang kita sa PCSO, sa distritong kanilang kinabibilangan, at sa Philippine National Police.

Read more...