CAAP, nakapagtala ng 397 sweeper flights para sa mga stranded na pasahero
Nakapagtala ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ng halos 400 sweeper o special flights para sa mga stranded na pasahero.
Batay sa kanilang Philippine Air Traffic Activity report, nasa kabuuang 397 na sweeper flights ang nagawa mula domestic flights hanggang international flights.
Nasa 4,030 na commercial flights naman naitala ng CAAP sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.
22 cargo flights naman ang nakumpleto sa araw ng Linggo, March 29.
Sa kabuuan, nasa 591 cargo flights ang nakumpleto para matiyak ang pagpapadala ng mga suplay ng pagkain at iba pa.
Naitala ang mga datos mula March 14 hanggang March 29, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.