Sarangani, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 209 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 2:21 ng hapon.

30 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...