Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Burgos, Surigao del Norte alas 2:43 ng hapon ng Biyernes.
Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa may 41 kilometer north ng bayan ng Burgos. Tectonic ang origin nito at may lalim na 30 kilometer.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Surigao City; General Luna at Bucas Grande, Surigao del Norte; Talacogon, Agusan del Sur; Carrascal, Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, ang intensity 5 ay may kategoryang “strong” na pagyanig at maaring makapagpabagsak ng mga magaaan at “unstable objects” sa mga tahanan at makapagpauga ng mga nakasabit na bagay.
Intensity 4 o moderately strong naman sa Dinagat Island at Butuan City.
Intensity 3 sa Tandag, Surigao del Sur; Balanginga at Guiuan, Eastern Samar; San Juan, Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte; Tacloban City, Palo at Dulag, Leyte; Lapulapu City; Consolacion, Cebu; Gingoog, Misamis, Oriental; at sa Davao City.
Intensity 2 sa Bislig at Hinatuan, Surigao del Sur; Mambajao, Camiguin; at sa Cagayan de Oro City.
Habang Intensity I sa Polangco, Zamboanga del Norte at Dipolog City.
Pinayuhan naman ng Phivolcs ang mga apektadong residente na maging handa sa aftershocks./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.