Makati City, nakapagtala ng 45 COVID-19 cases

Umabot na sa 45 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Makati City.

Naitala ang nasabing bilang ng kaso ng virus ng Department of Health at Makati Health Department hanggang 4:00, Linggo ng hapon (March 29).

Nasa 379 naman ang persons under investigation (PUIs) habang 250 ang persons under monitoring (PUMs).

Batay pa sa datos, dalawa ang nasawi at tatlong pasyente ang nakarekober.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Mayor Abby Binay ang mga residente sa lungsod na manatili sa bahay.

Sinumang residente ng Makati na hinihinalang nakakaramdam na apektado ng COVID-19, maaaring tumawag sa numerong 168 o (02) 8236-5790.

Read more...