DSWD, tiniyak na walang delay sa pagpapadala ng relief goods

By Angellic Jordan March 30, 2020 - 02:03 PM

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na hindi magkakaroon ng delay sa pagpapadala ng relief goods sa mga local government unit (LGU).

Ito ay bahagi ng kanilang resource augmentation support sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Nilinaw din ng kagawaran ang kumakalat na post sa social media kung saan nagkaroon umano ng delay sa pagpapadala ng mga de lata na may logo ng DSWD.

Sinabi ng kagawaran na wala silang ipinapadalang de lata na may logo ng kagawaran.

Nakalagay aniya ang logo ng DSWD sa Family Food Pack boxes para sa proper identification at mapanatili ang integridad ng relief supplies.

Kada kahon ng FFP ay may lamang anim na kilo ng bigas, apat na de lata ng sardinas, apat na de lata ng corned beef at beef loaf, anim na pakete ng kape o cereal energy drink.

Tiniyak din ng DSWD na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga LGU para sa maagap na serbisyo.

TAGS: dswd, enhanced community quarantine, Family Food Pack boxes, Inquirer News, dswd, enhanced community quarantine, Family Food Pack boxes, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.