Nadagdagan pa ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.
Sa huling datos ng Valenzuela City Health Office hanggang 9:00, Lunes ng umaga (March 30), nasa siyam na ang kabuuang COVID-19 cases sa nasabing lugar.
Napaulat na positibo ang isang 29-anyos na babae at 69-anyos na babae.
Kapwa naka-confine ang dalawang pasyente sa pagamutan.
Dahil dito, nagsagawa na ang Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabs sa mga taong nagkaroon ng close contact sa dalawang bagong kaso.
Sinimulan na rin anila ang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES