MNLF, hindi apektado sa ‘pagkamatay’ ng BBL-AFP

By Jay Dones, Ruel Perez February 09, 2016 - 04:26 AM

 

 

Misuari1Kinumpirma ng ilang source ng Inquirer na dumating sa pagpupulong ng mga miyembro ng MNLF noong Linggo ang dating MNLF chairman na si Nur Misuari.

Si Misuari ay may standing warrant of arrest dahil sa Zamboanga siege noong 2013.

Sa naturang pagpupulong noong Linggo sa Camp Astrana Indanan, Sulu na dinaluhan ng may mahigit sa dalawang libong tagasuporta ni Misuari, lumilitaw na hindi umano apektado ang MNLF Misuari faction sa pagkakabasura ng kongreso sa Bangasomoro Basic Law.

Ayon kay Col. Alan Arrojado, pinuno ng Joint Task Force Sulu, mas pinagtuunan ng pansin ng grupo ang pagpapatupad ng reorganisasyon ng MNLF kasunod ng pagkakatalaga sa anak ni Misuari bilang bilang vice chairman ng MNLF Central Committee na si Hadji Uto Karim Misuari.

Sinabi ni Arrojado na mas pabor din umano sa MNLF ang pagkakabasura sa BBL dahil mas makikinabang ang grupo kapag naisakatuparan na ang peace agreeement ng pamahalaan sa bahagi ng Mindanao.

Umaasa naman si Arrojado na makakatulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao sa pag-upo ng anak ni Nur Misuari bilang vice chairman ng MNLF dahil sa kanilang pagkakaalam hindi umano radical ang pag-iisip ng batang Misuari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.