Konsulta MD ng Globe libreng maa-access ng publiko hanggang April 30

Nagbigay ang Globe ng free access sa kanilang KonsultaMD para sa mga nais makakuha ng medical advice sa pamamagitan ng telemedicine hotline ng Globe.

Maaring mag-subscribe ng libre para sa mga walang existing membership.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Maridol Ylanan CEO ng KonsultaMD maaring magpakonsulta hanggang sa April 30 sa Metro Manila ang publiko. Ito ay matapos na makipagtulungan ang KonsultaMD sa Department of Health (DOH).

Maaring tumawag sa 78880 via Globe/TM mobile phone o (02) 77988000 via Globe landline, at iba pang landline sa Metro Manila.

Ang KonsultaMD ay 24/7 health hotline service kung saan makakausap ang mga skilled at licensed Filipino doctors para sa medical assessment at advice.

“With KonsultaMD, the public will be able to get immediate and affordable medical attention, anytime, anywhere in the Philippines,” ayon sa pahayag ng Globe.

Ang KonsultaMD ay affiliate ng 917Ventures na pag-aaari din ng Globe Telecom.

Read more...