One-Stop-Shop binuksan ng BOC para mapabilis ang pagproseso ng imported medical supplies

Binuksan na ang one stop shop na binuo ng Bureau of Customs na tututok sa lahat ng mga importasyon na may kaugnayan sa PPE, o Personal Protective Equipment.

Layunin nito na asistihan o tulungan ang mga importers na mapabilis ang pag-release ng kanilang mga kargamento tulad ng mga imported relief goods, equipments at mga medical supplies na kabilang sa donasyon.

Kaugnay niyan ay mismong ang one-stop-shop na rin ang direktang makikipag-ugnayan sa mga government agencies sa pagproseso ng mga donated relief goods.

Binuo ng BOC ang nasabing programa para makatulong sa mabilisang pagpapalabas ng mga kargamentong naglalaman ng mga medical supplies na gagamitin sa paglaban sa COVID-19.

Read more...