Coast Guard iniimbestigahan na ang bribery incident sa Batangas Port na kinasasangkutan umano ng isa nilang tauhan
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard kaugnay sa umano’y bribery incident na kinasasangkutan ng isa nilang tauhan.
Ayon kay Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, iniimbestigahan na nila ang ulat na pinayagan umano ng isang coast guard personnel ang isang indibidwal na makatawid sa Batangas Port checkpoint patungong Oriental Mindoro kapalit ng P7,000.
Sa oras na mapatunayang guilty tiniyak ni Balilo na papatawan ng karampatang parusa ang nasabing tauhan.
Bilang pagsunod sa guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, mahigpit na binabantayan ng PCG security personnels katuwang ang iba pang ahensya ang mga baybayin at seaports.
Ito ay upang masigurong naipapatupad ang mga kinakailangang pag iingat kontra sa COVID-19
Nabatid na ang mga myembro ng PCG District sa Southern Luzon security personnel, boarding team, at response team ay nagsusuot ng mga body camera bilang bahagi rin ng security measures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.