Nagsimula nang mag-ikot sa mga barangay sa Makati City ang Makati Mart.
Sa Barangay Olympia at Barangay Rizal nagtungo ngayong araw ang Makati Mart na layong ilapit ang pamilihan sa mga residente.
Ito ay para maiwasan din ang siksikan ng mga tao sa palengke.
Mabibili sa mobile markets ang sariwang gulay, itlog, bawang, sibuyas, kamatis at iba pang produkto na mabibili sa murang halaga.
Mahigpit naman ang paalala ng city government na tiyaking masusunod ang social distancing.
Iaanunsyo sa Facebook at Twitter account ng lungsod ang mga susunod na pupuntahan ng Makati Mart.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.