PCG may panawagan sa publiko sa National Week of prayer
Hinihikayat ng Philippine Coast Guard ang sambayanan na manalangin sa dulot ng kinakaharap na panganib na dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang pahayag ni Commodore Eustacio Nimrod P. Enriquez ng PCG Christian Lighthouse Community ay sa gitna ng paggunita ng National Week of Prayer.
Hinimok ni Commodore Enriquez, ang bawat Filipino Christians na magpakumbaba at humarap sa Diyos, magsisi sa pagkakasala bilang pagkilala sa awa at biyaya ng Dakilang Diyos.
Hiniling din ni Commodore Enriquez na magkaisa ang lahat na ipagdasal ang mga lider ng bansa, upang bigyan sila ng kalakasan, karunungan sa paggawa ng mahahalagang desisyon upang lubusan nang malutas ang suliranin sa COVID-19 pandemic.
Samantala, sa dalawang araw na pag-i-inspeksiyon ng Task Group Laban COVID-19 Water Cluster o mula Marso 28 at 29, umaabot sa 2,557 na vessels at iba pang sasakyang pandagat na nasa mga pantalan at waterways sa bansa ang nasuri ng Task Group.
Tiniyak ng PCG na sumailalim sa medical screening at health protocols ang mga tripulante.
Nakapagsagawa rin ng 588 Seaborne operations ang Task Group sa buong kapuluan upang makatiyak ng maritime safety at maprotektahan ang publiko laban sa panganib ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.