Cagayan provincial government nagsasagawa pa rin ng contact tracing sa mga pasahero ng isang bus na sinakyan ng COVID-19 patient

By Dona Dominguez-Cargullo March 30, 2020 - 09:42 AM

Patuloy na nananawagan ang provincial government ng Cagayan sa mga pasahero ng Florida Bus na may Bus No. GD-36 na sinakyan ng COVID-19 positive patient na si PH275.

Bumiyahe ang bus mula Sampaloc Terminal noong alas 8:00 ng gabi ng Marso 10 at dumating ng Tuguegarao alas 7:00 ng umaga ng Marso 11.

Ayon sa inilabas na seat plan ng Cagayan Provincial Information Office si PH275 ay naka-upo sa Seat No. 30.

Napag-alaman na sa Cabagan, Isabela lang dapat ang reservation ni PH275 subalit nagdesisyon ito na dumiretso ng Tuguegarao.

Inilabas ang seat plan para makatulong sa paghanap sa mga pasahero,

Si PH275 ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Cagayan at Region 2.

Apat na frontline workers na ang nahawa kay PH275 at nagpositibo rin sa COVID-19. Ito ay sina PH839, PH841, PH1180 at PH1182 na pawang health workers ng Cagayan Valley Medical Center at pawang mga taga Tuguegarao.

Maging ang ina ni PH275 ay nag-positive na sa COVID-19 at ngayon ay si PH893.

Isinailalim na sa total lockdown ang Brgy. Caritan Norte.

TAGS: Cagayan, covid positive, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tuguegarao, Cagayan, covid positive, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tuguegarao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.