Mayor ng Taytay, Rizal nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Taytay, Rizal na si Mayor Joric Gacula.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Gacula na Martes ng umaga nang magsimula siyang makaranas ng sintomas, gaya ng pangangati ng lalamunan, sinat at siya rin ay gininaw.
Agad umano siyang pinayuhan ng kanilang family doctor na mag-self quarantine at magpa-test sa COVID-19.
Umaga ng Linggo nang matanggap ni Gacula ang resulta ng kaniyang test kung saan positibo siya sa sakit.
Pero ani Gacula, noong Biyernes ay nagsimula nang umayos ang kaniyang kondisyon at wala nang nararamdamang anumang sintomas.
Sa kabila nito, manananatiling naka-quarantine si Gacula at magtatrabaho kahit nakakulong sa kaniyang kwarto.
Sa buong Rizal ay mayroon nang 50 kaso ng COVID-19 kung saan pito dito ang nasawi.
Kabilang sa mga bayan na mayroon nang kaso ay ang Cainta, Taytay, Binangonan, Jalajala, Morong, Rodriguez, San Mateo at Antipolo City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.