Mahigit P989M na halaga ng tulong naipaabot na sa mga pamilyang apektado ng umiiral na ECQ

Umabot na sa mahigit P989 million ang halaga ng tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa nasabing halaga, mahigit P46M ng tulong ay mula sa DSWD; mahigit P928M na tulong ang mula sa LGUs; mahigit P1.4M na halaga ng tulong ay mula sa NGOs at mahigit P13M ang mula sa pribadong sektor.

Tiniyak ng DSWD na mayroon pa itong standby funds na nagkakahalaga ng mahigit P610M.

Mayroon ding stockpiles ang DSWD na aabot sa mahigit 277,000 family food packs.

Read more...