Kaso ng COVID-19 sa US mahigit 141,000 na
By Dona Dominguez-Cargullo March 30, 2020 - 08:28 AM
Nakapagtala na ng 141,812 na kaso ng COVID-19 sa US.
Sa magdamag, umabot sa 18,234 ang naitalang kaso ng sakit sa US.
2,475 naman ang bilang ng mga nasawi sa nasabing bansa.
Ang US ang may pinakamarami nang kaso ng sakit sa mga bansa at teritoryo sa mundo na apektado nito.
Ang Italy naman ang ikalawang bansa na may pinakaraming kaso na 97,689.
Pero ang naturang European country ang nangungunang bansa na mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi na umabot na sa 10,779.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.