Voluntary national shutdown sa US pinalawig ni Pres. Trump
By Dona Dominguez-Cargullo March 30, 2020 - 07:53 AM
Pinalawig pa ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng voluntary national shutdown sa susunod na isang buwan pa.
Ito ay matapos ang rekomendasyon ng mga health expert at pag-aaral na nagsasabing maaring umabot sa mahigit 100,000 ang papanaw sa sakit.
Aminado si Trump na nakababahala ang naturang bilang.
Unang ipinatupad ni Trump ang 15 araw na social distancing guidelines.
Dahil sa pasya ni Trump na pagpapalawig ng guidelines ay iiral na ito hanggang sa April 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.