Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon bumaba sa magdamag

Bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology division, ang water level ng Angat dam ay nasa 196.62 meters alas-6:00 ng umaga ng Lunes (March 30) mas mababa sa antas nito kahapon na 197.17 meters.

Nabawasan rin ang water level ng Ipo dam na nasa 101 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.03 meters.

Nanatili naman ang water level ng La Mesa dam sa 76.96 meters.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Binga at Caliraya dams.

Read more...