Palengke sa Maynila ipinasara matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang vendor
Pansamantalang isinara ang Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila makaraang isa sa mga vendor nito ang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Noong Sabado (March 28) lumabas ang resulta ng test ng vendor kaya nagpasya ang pamunuan ng Barangay 456 na ipasara muna ang palengke.
Nabatid na nagtitinda ng baboy ang pasyente.
Itinuring naman nang PUIs o persons under investigation ang dalawang nagkaroon ng direct contact sa vendor, ito ay ang kaniyang pamangkin at isa pa na kasama niya sa palengke.
Sasailalim muna sa disinfection ang buong palengke at iaanunsyo na lamang muli kung kailan ito bubuksan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.