Barbie doll na nakasuot ng ‘hijab’ng mga Muslim, sikat sa internet

By Jay Dones February 09, 2016 - 04:21 AM

 

Mula sa Google

Viral ngayon ang mga larawan ng sikat na “Barbie doll” nakasuot ng ‘hijab’, ang karaniwang suot ng mga kababaihang Muslim sa kanilang ulo.

Isang Nigerian medical scientist ang unang nag-post ng mga imahe ng tinawag nitong “Hijarbie” na isang ordinaryong “Barbie doll” na sinuotan ng mahabang damit o ‘abaya’ at ng ‘hijab’sa Instagram.

Unang ipinakita ng 24-anyos na Pharmacology masters graduate na si Haneefa Adam ang kanyang mga ‘hijarbie’ dolls may ilang linggo na ang nakalilipas at gumawa pa ito ng Instagram page para sa kanyang mga manyika.

Ayon kay Haneefa, siya mismo ang gumagawa ng kanyang mga isinusuot na ‘abaya at hijab’ sa kanyang Hijarbie.

Sa kasalukuyan umaani ng positibong reaksyon sa mga netizens ang mga larawan ng “Barbie doll” na nakadamit ng kasuotang Muslim na gawa ni Haneefa na mayroon nang mahigit 20,000 followers.

May ilan pa sa mga naghahangad na bilhin ang kanyang mga ‘Hijarbie dolls.

Umaasa si Haneefa na sa pamamagitan ng kanyang mga likha, mabibigyan ng kaalaman ang publiko sa kanilang kultura at relihiyon at mabigyan din ng ‘role model’ ang mga kabataang Muslim.

Noong nakaraang buwan lamang, binago ng Mattel, ang kumpanyang gumagawa ng “Barbie” doll ang imahe nito.

Mula s apagiging maputi, mayroon na ngayong ibang-uri ng “Barbie” na nagpapakita ng iba’t-ibang lahi ng mga kababaihan sa mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.