Dating presidente ng Psychological Society ng PLM kabilang sa pumanaw sa nagliyab na eroplano sa NAIA
Kabilang ang doktor na si Dr. Nicko Bautista sa pumanaw sa nagliyab na eroplano bago mag-take off sa Ninoy Aquino International Airport, Linggo (March 29) ng gabi.
Kinumpirma ng Public Information Office ng Maynila na si Dr. Bautista ay isa sa walong nasawi sa insidente.
Si Bautista ay dating presidente ng Psychological Society ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Siya rin ay alumnus ng PLM College of Medicine 2014.
Maliban kay Bautista, sakay ng LionAir West Wind air ambulance ang mga sumusunod:
CAPT. RENZ EDWARD UNGSON (pilot)
CAPT. MELVIN BRUEL DE CASTRO (pilot)
CAPT. MARIO MEDINA JR. (pilot)
DR. CENOVER BAUTISTA
NURSE: HONRADO TOMELDAN JR.
JOHN RICHARD HURST- MALE, CANADIAN NATIONAL
MARLENE MERGARA DE JESUS – US CITIZEN
Maghahatid sana ng pasyente ang eroplano patungo sa Japan.
Pero bago mag-take off, ay nasunog ito at sumabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.