Kinumpirma ng pamunuan ng Manila international Airport Authority o MIAA na nasawi ang walong sakay ng Lion Air West Wind 24 aircraft na pa-take-off sana sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport linggo nang gabi ng March 29,2020.
Nangyari ang insidente pasado alas 8:00 ng gabi sa dulong bahagi ng runway 24 habang palipad ang eroplano.
Patungo sanang Haneda,Japan ang aircraft para sa isang Medical Evacuation Mission sakay ang dalawang pasahero at anim na crew.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, mabilis naman silang nakapag-dispatched ng fire at rescue team para bombahin ng chemical foam ang lumiliyab na eroplano, subalit sa kasawiang palad ay hindi na nakaligtas ang mga sakay nito.
Wala ni-isa sa mga sakay ng eroplano ang nakaligtas.
Pansamantalang isinara ang runway 24 at patuloy na iniimbestigahan ng
mga kasapi ng Aircraft Accident Investigation Board ng Civil Aeronautics Authority of the Philippines para alamin ang sanhi ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.