BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sumampa na sa 1,418

By Angellic Jordan March 29, 2020 - 05:19 PM

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na hanggang 4:00, Linggo ng hapon (March 29), 1,418 na ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa.

343 ang napaulat na bagong kaso sa nakalipas lamang na 24 oras.

Ayon sa DOH, pitong pasyente ang gumaling o naka-recover sa sakit.

Dahil dito, 42 na ang total recoveries mula sa virus sa bansa.

Samantala, iniulat din ng DOH na tatlo pang pasyente ang nasawi dahilan para umabot sa 71 ang death toll sa Pilipinas.

Kasunod nito, muling hinikayat ni Vergeire ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ng gobyerno para makaiwas sa pagkalat ng sakit.

Kabilang dito ang pananatili sa bahay at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

TAGS: COVID-19 update, doh, Inquirer News, Usec. Ma. Rosario Vergeire, COVID-19 update, doh, Inquirer News, Usec. Ma. Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.