Overseas voter registration para sa May 2022 elections, sinuspinde ng Comelec
Sinuspinde na ng Commission on Elections (Comelec) ang overseas voter registration activities para sa May 2022 elections.
Ito ay dahil na rin sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, commissioner-in-charge Office of Overseas Voting (OFOV), ang hakbang ay para masiguro na ligtas ang mga Filipino sa ibang bansa sa COVID-19.
Inabisuhan na aniya ng mga embahada sa ibang bansa ang Comelec na sinuspinde na muna ang registration.
Hindi naman matukoy ni Guanzon kung hanggang kailan suspendido ang registration dahil depende pa aniya ito kung tuluyan nang mawawala ang banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.