Pilipinas, may bagong silang na agila

By Jay Dones February 09, 2016 - 04:24 AM

 

Mula sa PEF

May bagong silang na agila ang Pilipinas na ipinanganak habang nasa pangangalaga ng mga Philippine Eagle Center sa Davao City.

Ang naturang ‘eaglet’ ay buhay na isinilang 57 araw makalipas na itong idaan sa ‘incubation’.

Ayon kay Anna Mae Sumaya, curator ng Philippine Eagle Foundation, ang naturang ‘eaglet’ ay ang ika-27 agila na ipinanganak ‘in captivity’ simula noong 1987.

Ito ay supling ng agilang lalake na si MVP Eagle at babaeng si Go Phoenix na naging magkapares noong 2013.

Umaasa ang PEF na sa pamamagitan ng matagumpay na pagsilang ng panibagong ‘eaglet’ ay tuluy-tuloy na madaragdagan ang mga agila sa mga kagubatan pa sa mga susunod na henerasyon

Ang agila na si Pag-asa ang pinaka-unang agila na ipinanganak sa pamamagitan ng ganitong paraan noong January 15, 1992.

Si Pag-asa ay patuloy na lumilipad sa mga kabundukan ng Mindanao hanggang sa ngayon.

Sa kasalukuyan, may 400 pares na lamang ng agila ang nasa mga kabundukan. Ang mga Philippine eagles ay itinuturing na endangered ng International Union for the Conservation of Nature.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.