Pumalo na sa 40,000 katao ang naaresto ng Philippine National Police sa loob ng 11 araw na enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon dahil sa COVID-19.
Ito ang ibinunyag ni Lt. General Guillermo Eleazar na commander ng Joint Task Force on COVID Shield.
Babala ni Eleazar aarestuhin at ikukulong ng PNP ang lalabag sa curfew.
Umiiral ang curfew sa Luzon mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
Hindi aniya magpapatumpik tumpik ang PNP sa pagpapatupad ng curfew lalo’t mismong ang mga local government officials na ang nagpapasaklolo.
Iiral ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa April 12.
MOST READ
LATEST STORIES