Toll sa NLEX at SCTEX para sa medical frontliners, libre na

By Angellic Jordan March 29, 2020 - 12:44 PM

May alok na libreng toll sa NLEX at SCTEX para sa lahat ng medical frontliner sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Ayon sa NLEX Corporation, layon nitong ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga health worker na makapagbigay ng serbisyo sa paglaban sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Para ma-avail ang libreng toll, kailangan lamang ipakita ng medical professionals ang kanilang PRC ID at kumuha ng toll-free RFID sticker.

Kung mayroon nang RFID sticker, i-enroll ito sa free pass program.

Maaaring magpa-enroll at install nito sa NLEX Balintawak Customer Service Center mula Lunes hanggang Sabado bandang 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Umaasa ang NLEX Corporation na sa pamamagitan ng programa, makakatulong sila sa mga itinuturing na bayani sa paglaban sa COVID-19.

TAGS: BUsiness, COVID-19, enhanced community quarantine, free toll, free toll for medical frontliners, Inquirer News, NLEX Corporation, BUsiness, COVID-19, enhanced community quarantine, free toll, free toll for medical frontliners, Inquirer News, NLEX Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.