“Day of Prayer,” idineklara ng CBCP para sa medical frontliners ngayong araw

Idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang “Day of Prayer” ang araw ng Linggo, March 29, para sa medical frontliners na patuloy na lumalaban sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Hinikayat ni Archbishop Romulo Valles, presidente ng CBCP, ang lahat ng diocese na mag-alay ng panalangin para sa kapakanan ng mga health worker sa bansa.

Gawin aniya ito sa lahat ng idaraos na misa at panalangin sa nasabing petsa.

Ipagpapatuloy din aniya ang pagdarasal ng Oratio Imperata.

Sinabi ni Valles na ang isa pang maibibigay na suporta ng Simbahang Katoliko sa health workers ang pagpapaalala sa publiko na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na quarantine protocol ng gobyerno.

Samantala, humiling din si Valles sa mga diocese na buksan ang kanilang pasilidad para magsilbing temporary shelthers ng mga nagtatrabaho sa ospital na may pangamba sa pag-uwi sa bahay dahil sa takot na baka mapasama ang virus sa kaanak.

“May our prayer move us to action,” dagdag ni Valles.

Read more...