Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan March 29, 2020 - 10:18 AM


Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00, Linggo ng umaga, nasa 197.17 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa 197.43 meters na naitala, araw ng Sabado.

Nabawasan din ang tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 101.03 meters.

Nadagdagan naman nang bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 76.96 meters

Nabawasan din ang tubig sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dams

Tumaas naman ang lebel ng tubig sa Binga at Magat Dams.

TAGS: Angat Dam, Inquirer News, PAGASA hydrology division, Angat Dam, Inquirer News, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.