Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa, nasa 280 – DFA

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 06:13 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 28, nasa 280 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 28 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 168 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 108 ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital habang nananatili sa apat ang nasawi.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 130 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 81 kaso, Middle East na may 47 na kaso habang ang Americas naman ay may 22 cases.

TAGS: COVID-19 update, DFA, Inquirer News, COVID-19 update, DFA, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.