Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa susunod na linggo

Magpapatupad ng tapyas sa presyo ang mga kumpanya sa kanilang produktong petrolyo.

Sa abiso ng Shell at Seaoil, P2.00 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P0.50 sa diesel habang P1.95 naman sa kada litro ng kerosene.

Sinabi ng Seaoil na epektibo ang pagbabago sa presyo ng kanilang mga produkto bandang 6:00, Lunes ng umaga (March 30).

Magsisimula naman ang oil price rollback ng Shell dakong bandang 6:00, Martes ng umaga (March 31).

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ng oil price adjustement ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...