BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa higit 1,000

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 05:35 PM

Sumampa na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (March 28), nasa kabuuang 1,075 na ang COVID-19 cases sa bansa.

272 ang nadagdag na COVID-19 positive patients sa Pilipinas sa magdamag.

Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng virus sa bansa sa loob lamang ng 24 oras.

Samantala, 14 pang pasyente ang nasawi dahilan para umakyat sa kabuuang bilang na 68.

Apat naman ang nakarekober o nagnegatibo na sa nakakahawang virus.

Sa ngayon, nasa 35 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

TAGS: COVID-19 cases, COVID-19 update, doh, Inquirer News, COVID-19 cases, COVID-19 update, doh, Inquirer News

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.