Pulis na under monitoring sa COVID-19, namatay

Sinabi ng Philippine National Police o PNP na isang pulis na kabilang sa mga persons under monitoring sa COVID-19 ang namatay, Sabado ng umaga (March 28).

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, cardiac arrest ang sanhi ng kamatayan ng hindi na kinilalang pulis.

Aniya, ito ay nagkaroon ng exposure sa isang may taglay ng nakakamatay na virus at isang linggo nang naka-self quarantine.

Sinabi pa ni Banac na ipinag-utos na ng Department of Health o DOH na ma-cremate ang pulis sa loob ng 12 oras.

Samantala, isa pang pulis ang nadagdag sa dalawang naunang nag-positibo sa COVID-19 at ang pinakabago ay isang 35-anyos na pulis-Pasay.

Base ito, ayon kay Banac, sa resulta ng test na isinagawa ng RITM.

Sa ngayon, may 97 pulis ang persons under investigation, samantalang 1,288 naman ang persons under monitoring.

Read more...