Olongapo City, nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 05:04 PM

Kinumpirma ni Mayor Rolen Paulino Jr. na nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 sa Olongapo City.

Ayon sa alkalde, ang pasyente ay isang 75-anyos na lalaki at naka-confine sa Baypointe Hospital sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

Unang napabilang ang pasyente sa listahan ng mga person under investigation (PUI) at nagkaroon ng travel history sa Maynila.

Sinabi ng alkalde na maayos naman ang kondisyon ng pasyente.

Tiniyak ni Paulino na nagsasagawa na ng contact tracing ang Olongapo City Health Office sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Tiniyak din nito na patuloy na nakikipag-ugnayan ang Olongapo City government sa Department of Health (DOH).

Humiling naman si Paulino ng panalangin para sa paggaling ng pasyente.

Kasunod nito, hinikayat ng alkalde ang mga residente sa Olongapo City na sundin ang home quarantine at huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

TAGS: COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City, COVID-19 update, Inquirer News, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.