Mga positibo sa COVID-19 dapat umamin – Sen. Lacson

By Jan Escosio March 28, 2020 - 05:20 PM

Hinihimok ni Senator Panfilo Lacson ang lahat ng mga nag-positibo sa COVID-19 na isapubliko ang kanilang sitwasyon.

Ayon kay Lacson, kung nagawa ng mga kilalang personalidad at ng mga opisyal at pulitiko na isapubliko ang kanilang pagkakasakit, dapat ay gawin na rin ito ng ordinaryong mamamayan.

Sa ganitong paraan ay malalaman na ng kanilang nakasalamuha ang sitwasyon at mahihikayat na rin silang magpasuri at para hindi na kumalat pa ang sakit.

Katuwiran nito, ang COVID-19 ay hindi naman katulad ng pagkakaroon ng HIV na may social stigma.

Dagdag pa ng senador, dahil hindi pa naipapatupad ang National ID System Act, mahirap ma-trace ang mga positibo sa COVID-19 at isa pang nagpapahirap ay ang Data Privacy Act of 2012 na nagbibigay sa lahat ng ‘right to privacy’ at hindi rin naman maaring isapubliko ang medical record ng isang pasyente.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, Sen. Ping Lacson, COVID-19, Inquirer News, Sen. Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.