LOOK: Pagdiriwang ni Pangulong Duterte sa kaniyang kaarawan

Simple lamang ang pagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang kaarawan, araw ng Sabado (March 28).

Sa ibinahaging larawan ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Facebook, makikitang isda, kain at sabaw ang kinain ng pangulo sa Malakanyang.

Sinabi ng senador na hindi muna nakapag-almusal ang pangulo sa paboritong karinderya sa Davao dahil sa ipinatutupad na home quarantine.

Aniya pa, isa lamang ang kahilingan ng pangulo sa kaniyang kaarawan, ang manatili ang lahat sa kani-kanilang tahanan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito na ang ika-75 kaarawan ni Pangulong Duterte.

Read more...