‘Market on Wheels,’ ilulunsad sa Valenzuela City

Ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang ‘Market on Wheels’ sa araw ng Linggo, March 29.

Sa abiso ng Valenzuela LGU, ide-deploy ang kanilang e-trikes katuwang ang ilang partner vendors sa lungsod mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga.

layon anila nitong madala nang mas malapit ang mga pangunahing pangangailan sa mga residente ng lungsod sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Tiniyak namang sisiguraduhing masusunod ang social distancing sa mga mamimili sa ‘Market on Wheels.’

Nakuha ang ideya ng proyekto mula sa ikinasang “Mobile Palengke” ni Mayor Vico Sotto sa Pasig City.

Read more...