Kampanya ng mga presidentiables, nagsimula na

By Kathleen Betina Aenlle February 09, 2016 - 03:09 AM

Mula sa inquirer.net

Kaniya-kaniyang diskarte ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ngayong araw ng Martes sa simula ng campaign period para sa mga tatakbo sa pambansang posisyon.

Nauna na ang magka-tandem na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano na hatinggabi pa lamang ay lumusob na sa Tondo, Maynila para mangampanya.

Nakatakda namang simulan ni Vice President Jejomar Binay at Sen. Gringo Honasan tandem ng United Nationalist Alliance (UNA) ang kanilang pangangampanya sa Welfareville sa Mandaluyong City.

Sina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero naman, kasama ang mga senatoriables ng Partido Galing at Puso ay tutungo sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila para doon ganapin ang kanilang kick-off rally.

Susuyuin naman ng tambalang Mar Roxas at Rep. Leni Robredo ng Liberal Party ang Roxas City at Iloilo city, kung saan inaasahang di bababa sa 30,000 ang dadalo sa kanilang kampanya.

Magsisilbi namang unang public appearance bilang magka-tandem nina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Bongbong Marcos ang kanilang pagpunta sa Batac City.

Sa General Santos City naman na balwarte ng kaniyang partido ang magiging unang target ni vice presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV na ganapan ng kaniyang proclamation rally bukas, Feb. 10.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.