Middle class Filipinos, makakatanggap din ng tulong mula sa gobyerno – DILG

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 01:09 PM

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na makakatanggap din ng tulong mula sa gobyerno ang middle class Filipino sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya kabilang sa ibang formal sector o middle class ang pagbibigay ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng credit card.

Magkakaroon din aniya ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng renta ng bahay.

Samantala, sinabi ni Malaya na nananatiling prayoridad sa mga ipinamamahaging food packs ang mahihirap na pamilyang Filipino.

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

TAGS: DILG, enhanced community quarantine, middle class Filipino, Usec. Jonathan Malaya, DILG, enhanced community quarantine, middle class Filipino, Usec. Jonathan Malaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.