Laguna, mayroon nang 23 kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 12:46 PM

Umabot na sa 23 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Ayon kay Governor Ramil Hernandez, batay sa datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (March 28), nasa walo ang kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa.

Sumunod dito ang San Pedro na may limang kaso; Biñan na may tatlong kaso at Calamba na may dalawang kaso.

Tig-iisa naman ang naitalang kaso sa Cabuyao, Los Baños, Lumban, Pila at San Pablo.

Samantala, umabot na sa 687 ang bilang ng persons under investigation (PUIs).

10,136 naman ang ongoing na persons under monitoring (PUMs) habang 2,429 ang cleared na.

TAGS: COVID-19 update, Gov. Ramil Hernandez, Inquirer News, Laguna Provincial Health Office, COVID-19 update, Gov. Ramil Hernandez, Inquirer News, Laguna Provincial Health Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.