Isa nasawi sa Navotas dahil sa COVID-19

Nasawi ang isang pasyente na COVID-19 positive sa Navotas.

Sa datos ng pamahalaang lokal ng Navotas hanggang 10:00, Sabado ng umaga (March 28), 21 ang persons under investigation (PUIs).

Sa ngayon naka-home quarantine ang 16 habang lima naman ang naka-confine sa NCH.

Hinihintay pa ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga PUI.

Samantala, nasa 125 naman ang bilang ng persons under monitoring (PUMs) sa nasabing lugar.

Read more...