Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa San Benito, Surigao del Norte Sabado ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang lindol sa layong 19 kilometers Northwest ng San Benito dakong 11:49 ng umaga.
76 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.