Solo parents sa Makati, tatanggap ng P1,000 financial assistance at food packs
Ipamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Makati ang tig-P1,000 financial assistance sa mga solo parent sa lungsod.
Ayon sa Makati LGU, nasa 2,049 rehistradong solo parents sa lungsod ang makakatanggap ng tig-P1,000 tulong pinansyal at food packs habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Layon anila nitong magsilbing dagdag sa naunang food packs na ipinamahagi sa mga anak nilang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan ng lungsod.
Direkta anila itong ipapadala sa kani-kanilang tahanan.
Para ma-claim ito, kailangang ipakita ang solo parent ID.
Sisimulan ang pamimigay ng tulong pinansiyal at food packs sa araw ng Sabado, March 28.
Muling hinikayat ng Makati LGU ang mga residente sa lugar na manatili sa bahay para maiwasang kumalat ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.