Global death toll ng COVID-19, mahigit 27,000 na

Mabilis pa rin ang pagtaas ng bilang ng nasasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, sumampa na sa 27,359 ang ang global death toll bunsod ng nakakahawang sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang nasawi sa Italy na umabot sa 9,134.

Halos 800 naman ang nasawi sa Spain sa magdamag.

Dahil dito, pumalo na sa 5,138 ang nasawi sa naturang bansa.

Sumunod dito ang China, kung saan nagmula ang virus, na may death toll na 3,295.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang bansa:
Iran – 2,378
France – 1,995
USA – 1,696
United Kingdom – 759
Netherlands – 546
Germany – 351
Belgium – 289
Switzerland – 231
South Korea – 144
Sweden – 105
Brazil – 93
Turkey – 92
Indonesia – 87
Portugal – 76
Austria -58
Canada – 55
Philippines – 54
Denmark – 52
Japan – 49
Ecuador – 41
Iraq – 40
Egypt – 30
Greece – 28
Malaysia – 26
Romania – 26
Algeria – 26
Ireland – 22
India – 20
Dominican Republic – 20
Norway – 19
Argentina – 17
Poland – 16
Luxembourg – 15
Australia – 13
Panama – 14
Israel – 12
Mexico – 12
Pakistand – 11
Peru – 11
Diamond Princess – 10
Czechia – 9
Slovania – 9
Serbia – 8
Lebanon – 8
Finland – 7
Colombia – 6
Chile – 5
Thailand – 5
Russia – 4
Hong Kong – 4
Bahrain – 4
Saudia Arabia – 3
Croatia – 3
Singapore – 2
UAE – 2
South Africa – 1
Iceland – 2
Estonia – 1

Samantala, nasa kabuuang 597,185 na ang COVID-19 cases sa buong mundo.

Read more...