Deputy Speaker Duterte nag-sorry sa inasal ng anak sa isang grocery sa Davao City
Nag-sorry si House Deputy Speaker at presidential son Paolo Duterte sa inasal ng kanyang anak sa isaang kilalang grocery sa Davao City.
Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na nakarating sa kanyang kaalaman ang inasal ng anak na si Omar Duterte na hindi pagpila papasok ng S&R Davao na isang paglabag sa quarantine protocol na ipinatutupad doon.
Sabi ni Duterte, “It has come to my attention that my son, Omar Duterte, went to SNR Davao and he did not line up and thus, was not subjected to stringent screening requirements of the establishment.”
Dagdag pa nito, “It is with humility that I apologize for the behavior of Omar and his impertinence shall be dealt with accordingly.”
Lumalabas sa report na marami ang nakapila at hindi pinapapasok agad sa loob ng S&R bilang pagsunod sa social distancing.
Idinagdag nito na nagsasagawa na ng imbestigahan ang Presidential Security Group sa inasal ng mga tauhan nito na nagbabantay kay Omar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.