Mass random drug testing sa COVID-19 dapat isagawa ng pamahalaan

Pinasisimulan na ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mass testing.

Ayon kay Salceda, sa pamamagitan ng mass testing ay matutukoy ng pamahalaan ang mga lugar na kailangan ng intervention.

Malayo aniya sa minimum capacity na 1,500 tests kada araw ang 11,446 COVID-19 tests na naisagawa na sa ngayon.

Dapat din aniyang magkaroon ng random testing sa lahat ng persons under investigation (PUI), at mas pinaigting na contact tracing para naman sa National Task Force (NTF).

Pinahahanda rin nito ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa pagkakaroon ng malawakang infection upang sa gayon ay hindi maparalisa ang health sector sa oras na mangyari ito.

Sabi ni Salceda, “We have seen conservative simulations. And we have also seen simulations similar to what Governor Cuomo of New York has been citing, where they think some 40% of the population may get infected. Estimates range from several thousands to a few millions.”

Dahil pabago-bago ang sitwasyon kada araw, sinabi ni Salceda na tamang nakatulong ang enhanced community quarantine subalit hindi ito uubra sa pangmatagalan.

Ang mga datos na makukuha rito ay mahalaga para sa mga susunod na hakbang na tatahakin aniya ng pamahalaan.

Nanawagan naman si Salceda sa Department of Health na palakasin ang kakayahan ng mga ospital sa pamamagitan nang agarang pagbili ng mechanical ventilators.

Read more...