Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00, Sabado ng umaga, nasa 197.43 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.
Mas mababa ito kumpara sa 197.61 meters na naitala, araw ng Biyernes.
Nabawasan din ang tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 101.07 meters.
Nanatili naman sa 76.95 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Nabawasan din ang tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.