San Pedro, Laguna may limang kaso na ng COVID-19

By Angellic Jordan March 28, 2020 - 10:16 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Mayor Lourdes Cataquiz, lima na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lugar.

Isa aniyang 36-anyos na lalaki ang panibagong kaso at residente ng Barangay Magsaysay.

Muli namang nanawagan ang alkalde sa mga residente sa San Pedro na manatili na muna sa tahanan para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

TAGS: COVID-19 positive, Inquirer News, laguna, Mayor Lourdes Cataquiz, San Pedro, COVID-19 positive, Inquirer News, laguna, Mayor Lourdes Cataquiz, San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.